
NI JUN DAVID
Arestado ang nasa 23-katao na pinaniniwalaang sangkot sa E-Sabong sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lalawigan ng San Ildefonso, Bulacan.
Ayon sa inisyal na ulat ng CIDG, dakong alas-11:35 ng gabi noong Oktubre 19, 2023 nang magsagawa ng Oplan Bolilyo o Anti-Illegal Gambling Operation sa no. 9 Malcupilapil, San Ildefonso, Bulacan kung saan nahuli ang nasabing mga indibiduwal.
Nakuha sa mga suspek ang ilang baril at iba pang dokumento.
Kabilang sa mga dinakip na sina Harry Balmores Reyes, 37-anyos; Dustin Balmores Reyes, 42-anyos, negosyante, kapwa residente ng Malcapilapil, San Ildefonso, Bulacan na nahaharap sa kasong paglabag sa Executive Order no.09 Series of 2022, Presidential Decree 1602 (E-Sabong) in relation to RA 10175 o Comprehensive Firearms and Ammunition Code at RA 8484 o Access Device Regulation Act of 1998.
Habang kasong paglabag sa RA 1602 at RA 10175 sina Amando Pangan Velilla, 54-anyos; Patrick Vanguardia, 24-anyos, loader Online Sabong; Randy Pano Villamar, 35-anyos, Cashout E-Sabong; Julie Anne Illescas Zarraga, 28-anyos, loader E-Sabong; Mervic Castro Espiritu, 23-anyos, loade E-Sabong; Billy Joe Narvaza Dela Cruz, 28-anyos; Jayson Balisa Camaya, 33-anyos; Rein Roy Concepcion Enrile, 33-anyos; Ana Joy Cruz Albella, 31-anyos; Mary Joyce Rivera, 25-anyos; Miguel Francesca Yana, 25-anyos; Axel Dave Regala Dela Cruz, 22-anyos.
Gayudin sina Danniel Zarraga Gatchalian, 28-anyos; Liezer Dayto Llosala, 29-anyos; Kristine Joy Bernado Halago, 27-anyos; Allen James Ebon Garcia, 22-anyos; John Patrick Tan De Jesus, 24-anyos; Reymond Villaceran Sanciangco, 28-anyos; Roger Halago Butuhan, 33-anyos; at Paquito Escalona Suarez, 63-anyos.
Base sa exclusive report, nagsagawa ng operasyon ang Bulacan Police Provincial Office at CIDG laban sa sinasabing talamak na operasyon ng E-Sabong sa Bulacan kung saan agad na ikinasa ang pagsalakay sa itinuturong gambling den at dito naaktuhan ang mga nasabing mga indibiduwal na nagsasagawa ng online sabong, online betting, at paggamit ng devices para sa online payment o pre –registered SIM cards at Bitcoin Mining Machines.
“During the conduct operation, search was conducted in the said gambling den incidental to their arrest and it was disclosed that beside of conduct and facilitation of online sabong, online betting, on billiard games and engaging in the use of access devices for the online payments and transactions were facilitated by the suspects and confiscated on their possession are the following evidence to wit;
a.) One (1) unit Shadow Cal. 9mm with serial no. D106447;
b.) One (1) Cal. 9mm magazine;
c.) Eleven (11) pcs. Cal. 9mm live ammunition;
d.) One (1) unit Metrillo Cal. 9mm with Serial No. MGC0760P;
e.) Two (2) units cal. 9mm Stainless Magazine;
f.) One (1) Pistol Case Color Black;
g.) One (1) unit Glock 19 Cal. 9mm Color Brown with SN. ADLU643;
h.) Fourteen (14) cal. 9mm live ammunition;
i.) Two (2) pcs. Identification Card
Nabatid na ang operasyon laban sa E-Sabong ay bunsod ng reklamo ng ilang residente sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan na pagiging “untouchables’ umano ng mga ito sa ilang miyembro ng kapulisan.
Isinagawa ang operasyon laban dito dahil sa paglabag sa Executive Order No.9 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pinababawal ang Electronic Sabong sa buong bansa.
