Davao Occidental at Iloilo nilindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng magkasunod na paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental at Ilolilo, ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ganap na ala-1:12 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 4.1 na lindol na ang sentro ay nasa layong 383 km timog kanluran ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

May lalim itong 418 km at tectonic ang origin.

Nakapagtala ng aftershocks sa magnitude 3.0 ganap na alas-12:43 ng tanghali.

Samantala, dakong alas-2:56 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 3.9 na lindol sa layong 018 km hilagang kanluran ng Maasin, Iloilo at may lalim na 004 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity III sa Maasin, Iloilo at intensity II sa Janiuay at Alimodian, Iloilo.

Habang sa instrumental intensity ay naitala ang intensity II sa Tapaz, Capiz.

Nakapagtala rin ng magnitude 2.6 na aftershocks dakong alas-12:23 ng tanghali sa Maasin, Iloilo.

Wala namang naiulat na naging epekto ang dalawang paglindol.

Leave a comment