Repatriation at reintegration efforts sa mga OFWs sa Israel at Lebanon iginiit ni Sen. Go

Ni NOEL ABUEL

Nananawagan si Senador Christopher Bong Go sa pamahalaan na agarang i-repatriate ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at agarang reintegration plans sa mga babalik dito sa Pilipinas dahil sa patuloy na paglala ng kaguluhan sa bansang Israel at Lebanon.

Ayon kay Go, vice chairman ng Senate Committee on Migrants Workers dapat na siguraduhin ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga OFWs na nasa Israel at sa Lebanon.

“Unang-una, siguraduhin natin ang kanilang kaligtasan. Tulungan dapat silang makalikas sa ligtas na lugar at maiuwi sa kanilang mga pamilya dito,” sabi nito.

Aniya dapat na agarang tulungan ang mga ito na makalikas sa ligtas na lugar at maiuwi sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

Maliban dito iginiit din ng senador na dapat ay may nakahanda nang maayos na suporta na makakapagbigay ng job counseling, skills retraining, at mga serbisyo sa mental health, at iba pa.

Aminado si Go na mahirap ang pinagdaraanan ng mga OFWs sa mga nabanggit na bansa at nawalan ng trabaho kung saan may trauma pa ang mga ito sa naganap na kaguluhan.

Aniya dapat ibigay lahat ang suporta at pag-aaruga upang makabangon muli ang mga OFWs pagbalik ng Pilipinas.

Simula nang tumaas sa alert 4 ang kaguluhan sa bansang Israel nakatatlong batch na ng mga OFWs ang umuwi sa Pilipinas mula sa bansang Israel.

“Mahirap ang pinagdaanan nila doon. Nawalan na sila ng trabaho, may trauma pa ‘yan dahil sa kaguluhan na naranasan nila. Ibigay dapat sa kanila ang sapat na suporta at pag-aaruga pag-uwi nila sa kanilang inang bayan upang makabangon muli,” giit ng senador.

“Aside from possible employment opportunities, the government must be ready to provide assistance for their physical and psychological well-being, temporary housing if needed, and the welfare of their families as well,” dagdag nito.

Hinimok ng senador ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang kinauukulang ahensya ng pamahalaan na bantayang mabuti ang sitwasyon at magbigay ng napapanahong update sa mga OFWs at kanilang pamilya.

“Our OFWs are hailed as modern-day heroes, and it’s only fitting that we ensure their safety wherever they are in the world. Once they return to the Philippines, the government must also be prepared to provide them with the necessary support as they reintegrate into society, bringing with them skills and experiences acquired overseas,” pahayag nito.

Leave a comment