Integridad ng BSK elections pinatitiyak ng senador sa Comelec

Senador Christopher “Bong” Go

NI NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go sa Commission on Elections (COMELEC) na siguruhin ang integridad ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa araw ng Lunes, Oktubre 30.

Sa isang panayam sa gitna ng pag-iinspeksyon ni Go sa proyektong isinulong nito sa Kapalong, Davao del Norte, umapela rin ito sa Filipino na tuparin ang karapatan ng mga ito sa pagboto at tiyakin na ang iboboto ang mga kandidatong na makakatulong sa pag-unlad ng kani-kanilang komunidad.

“Sa mga kababayan natin, exercise your right to vote. Pumunta po kayo sa mga presinto, go out and vote for candidates na tingin ninyo ay makakatulong sa pag-unlad ng inyong barangay. Unahin n’yo po ang mga honest, competent, at pinakamahalaga, ‘yung may pagmamahal at pagmamalasakit nila sa kapwa Pilipino,” sabi ni Go.

At para naman sa mga kandidato, pinayuhan ni Go ang mga ito na unahin at iprayoridad ang kalagayan  ng kanilang nasasakupan.

“Public office po itong pinapasukan ninyo. ‘Wag n’yo pong sayangin ang binigay na tiwala ng ating mga kababayan. Once na manalo po kayo, unahin n’yo po ang pagseserbisyo, pagmamalasakit, at pagmamahal sa ating mga kababayang Pilipino, lalung-lalo na po ang mga mahihirap,” payo pa ng senador.

Leave a comment