Bicol at Eastern Visayas uulanin– PAGASA

Ni MJ SULLIVAN

Makakaranas ng mga pag-ulan sa Bicol region at Eastern Visayas dahil sa epekto ng low pressure area (LPA) at ng shear line.

Ayon sa abiso ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ganap na alas-3:00 ng madaling-araw nang huling mamataan and LPA sa layong 995 km ng Visayas.

Samantala, apektado rin ng Northeast Monsoon o amihan ang Northern at Central Luzon.

Habang ang Batanes, Cagayan, Isabela, at Aurora ay makakaranas ng maulap na papawirin na may pag-ulan dahil sa amihan.

At ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon, at Cagayan Valley ay magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.

Gayundin sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap at may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat dahil sa epekto ng localized thunderstorms.

Leave a comment