
Ni NOEL ABUEL
Nakapagtala si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng pinakamalaking pagtaas sa performance at trust rating batay sa survey ng OCTA Research.
Batay sa survey na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, 2023, si Speaker Romualdez ay nakakuha ng 60 porsiyentong trust rating, tumaas ng 6 porsiyento kumpara sa 54 porsiyento na nakuha nito sa survey noong Hulyo.
Samantala, nakakuha naman ang lider ng Kamara ng walong porsiyentong distrust rating, bumaba ng 4 porsiyento kumpara sa 12 porsiyento na naitala nito sa nakaraang survey.
Sa performance rating, si Speaker Romualdez ay nakapagtala naman ng 61 porsiyento, mas mataas ng 6 porsiyento kumpara sa 55 porsiyento na nakuha nito sa nakaraang survey.
Bumaba naman ng 2 porsiyento ang kanyang dissatisfaction rating na naging 9 porsiyento kumpara mula sa 11 porsiyento.
Sa kaparehong survey, nakapagtala rin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng 73 porsiyentong trust rating (mula sa 75 porsiyento), samantalang si Vice President Sara Duterte ay 75 porsiyento (mula sa 83 porsiyento).
Habang si Senate President Juan Miguel Zubiri ay 57 porsiyento kumpara (tumaas mula 56 porsiyento), at si Chief Justice Alexander Gesmundo ay 21 porsiyento (mula sa 27 porsiyento).
Ang satisfaction rating naman ng Pangulo ay 65 porsiyento (mula sa 71 porsiyento), samantalang si Duterte ay bumaba sa 70 porsiyento (mula sa 82 porsiyento).
Si Zubiri ay tumaas ng isang porsiyento at naging 58 porsiyento samantalang si Gesmundo ay bumaba ng 8 porsiyento mula sa 20 porsiyento.
Ang survey, na may 1,200 respondents ay mayroong margin of error na 3 porsiyento at confidence level na 95 porsiyento.
