
Ni NERIO AGUAS
Muling nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko na mag-ingat at huwag maging biktima ng human trafficking.
Ang abiso ng BI ay kasunod ng pagbabalik ng limang Filipino na naging biktima ng human trafficking syndicate mula sa bansang China.
National na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga biktima na ikinulong ng Chinese immigration authorities dahil sa pagtatrabaho ng walang kaukulang working visa.
Ayon sa BI, tatlo sa mga biktima ay dumating noong Oktubre 20, sakay ng Air Asia flight habang dalawa ay dumating makalipas ang isang araw sakay ng China Southern Airlines flight galing sa Guangzhou province, China.
Sa panayam na isinagawa ng mga miyembro ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), ikinuwento ng mga biktima kung paano sila naengganyo ng kanilang mga recruiters na magtrabaho sa China nang hindi kumukuha ng mga kinakailangang overseas work permits sa ibang bansa.
Sinabi ng mga ito na nagtrabaho ang mga ito bilang hotel housekeeper, caretaker, private tutor, at household service workers (HSWs).
Ilan sa kanila ang inilipat mula sa isang employer patungo sa iba pang employers at inamin ding sila ay ilegal na nagtatrabaho sa China at maaaring hulihin anumang oras ng mga awtoridad.
Ikinuwento ng isa sa mga babaeng biktima kung paano ito ginawang yaya ng kanyang recruiter para mapadali ang kanyang pag-alis.
Ibinahagi nito kung paano ito labis na pinagtrabaho at hindi nabayaran nang maayos pagdating sa China kung saan nakulong ito ng 70 araw matapos arestuhin ng mga awtoridad ng China.
Sinabi ni Tansingco na ang sinapit ng mga biktima ay dapat maging babala sa iba pang Pilipino na hindi dapat maniwala sa mga pangako ng mataas na sahod mula sa mga estranghero at dayuhan na hindi makakatulong sa kanila sa sandaling naharap sa mga problema habang nagtatrabaho sa ibang bansa.
“The best way to avoid these sad experiences is for you to go through the legal process that migrant workers should follow in applying for overseas jobs,” sabi nito.
