
Ni NOEL ABUEL
Iginiit ni Las Piñas Rep. Camille Villar na kailangang tiyakin ng pamahalaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa ng industriya ng business process outsourcing (BPO) na naging isa sa mga nangungunang tulong sa ekonomiya ng bansa.
Sa inihain nitong panukalang House Bill No. 9342 o ang BPO Workers’ Welfare and Protection Act of 2023, layon nito ang patas at maayos na pagtrato sa lahat ng manggagawa sa outsourcing industry.
Binanggit nito na ang gobyerno ng Pilipinas ay nag-alok ng malawak na hanay ng mga pribilehiyo sa mga kumpanya ng BPO, kabilang ang mga tax perks at insentibo, upang makaakit ng mas maraming pamumuhunan sa sektor at panatilihin ang katayuan ng bansa bilang nangungunang destinasyon ng outsourcing para sa mga pandaigdigang mamumuhunan.
Ayon sa IT and Business Process Association of the Philippines ang mga manggagawa sa nasabing industriya ay aabot sa 1.7 milyon at kita na nasa $35.9 bilyon o P2 trillion ngayong taon.
“With the importance of the BPO industry in the Philippine economy, it is but fitting to establish standards to ensure the safety, well-being and rights of employees working in the BPO sector. BPO workers, who are often working night shift hours and sacrificing their health and time for their families, need protections like occupational health and safety, work-life balance, fair compensation, anti-discrimination, medical and health benefits, transportation perks, and right to self-organization,” paliwanag ni Villar.
“It is imperative to treat the BPO worker in a just and humane manner and ensure that all the rights and benefits of BPO workers are provided for and accorded to them as mandated by the Labor Code. Abusive language, physical violence or any act which debases the dignity of a person shall not be used against the employee,” dagdag pa nito.
Sa ilalim ng panukalang batas ni Villar, ang mga kumpanya ng BPO ay ipinagbabawal na pilitin ang isang empleyado na magbayad ng bond ng kumpanya at magpataw ng hindi makatwiran o labis na bayad na babayaran ng empleyado sa pag-alis ng kumpanya bago ang tinukoy na haba ng panahon o bago matapos ang kanyang kontrata.
Ang lahat ng BPO industry ay protektado laban sa diskriminasyon sa pamamagitan ng ethnicity, gender, sexual orientation, edad, race, color, religion, political, o iba pang opinyon, national, social, o geographical origin, disability, property, birth, civil status, pregnancy, physical characteristics or disability, o iba pang sitwasyon na itinatakda ng human rights standards.
Ikokonsidera ang mga itong mga regular na manggagawa pagkatapos makumpleto ang anim na buwang pagsubok, pagsasanay o panahon ng pag-aprentiship.
Ang kanilang normal na oras ng trabaho ay hindi dapat lumampas sa walong (8) oras sa isang araw, at ang trabaho ng hindi hihigit sa anim (6) na magkakasunod na araw bawat linggo.
Hindi sila maaaring matanggap sa trabaho maliban sa makatarungan at awtorisadong mga dahilan tulad ng itinatadhana sa ilalim ng Labor Code.
Sinumang BPO company na lalabag sa prohibisyon ay papatawan ng multang hindi lalagpas sa P100,000 at pagkakakulong ng dalawang buwan at hindi lalagpas ng mahigit sa 1-taon o pareho ng parusa.
“Kailangan nating pangalagaan ang ating mga kababayan, lalo na ang mga kabataan, na nagtatrabaho sa mga BPO companies nang sa gayun ay masiguro natin ang patuloy ng paglago ng industriya. Higit sa ano pa man, kapakanan ng ating mga manggagawa ang pangunahing responsibilidad ng pamahalaan,” pahayag pa ni Villar.
