
Ni NERIO AGUAS
Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na nito ang tatlong farm-to-market roads (FMR) na mag-uugnay sa malalayong barangay sa mga bayan ng Ilog at Cauayan, Negros Occidental.
Sinabi ni DPWH Region 6 OIC-Director Sanny Boy O. Oropel na ang mga bagong sementadong two-way na kalsada ay magbibigay ng mas maginhawang daan sa mga bulubunduking komunidad sa lalawigan, na nagbibigay ng mas magandang pagkakataon para sa transportasyon ng mga lokal na produkto at iba pang produkto at serbisyo.
Ang natapos na proyekto sa bayan ng Ilog na pagsesemento ng 756 lineal meters ng kasalukuyang 2-lane road sa Barangay Balicotoc at 837 lineal meters sa Sitio Lapak, Barangay 2.
Sa Cauayan, sinabi ng DPWH Negros Occidental 3rd District Engineering Office na inayos na ang pagsesemento ng 462-lineal meter, 2-lane road sa Sitio Tagaytay, Barangay Camalanda-an.
Bilang kaligtasan, ang iba pang mga pag-upgrade sa kalsada ay kinabibilangan ng grouted riprap, stone masonry, reinforced concrete pipe culvert, at reflectorized thermoplastic pavement markings.
“The improved local roads can now cater to big trucks hauling sugarcane as well as other vehicles carrying farm products, enabling a more cost-efficient delivery of goods to nearby markets,” sabi ni OIC-Director Oropel.
And bagong FMR projects sa Negros Occidental ay itinayo gamit ang P11.8 milyon, P9.9 milyon, at P12 milyon.
