
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro, kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-4:50 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 4.6 na lindol na natukoy ang sentro sa layong 005 km hilagang kanluran ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro.
May lalim itong 127 km at tectonic ang origin.
Naramdaman sa instrumental intensities ang intensity I sa Mamburao at Abra De Ilog, ng nasabing lalawigan.
Wala namang naitalang danyos ang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na oras at araw.
