P30 wage hike sa Region IX

NI NERIO AGUAS

Naglabas ng wage order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Region IX sa Zamboanga Peninsula na nagkakaloob ng P30.00 arawang dagdag sahod sa lahat ng sektor.

Nabatid na ang Wage Order No. RIX-22 na inilabas noong Oktubre 16, 2023 ay nagkakaloob ng P30.00 daily minimum wage increase at ang second tranche na P13 ay ipinagkaloob sa mga retail/service establishments na may 10 hanggang 30 manggagawa na magiging epektibo sa Pebrero 1, 2024.

Sa non-agricultural enterprises, retail/service, mula sa minimum wage under WO No. RIX-21 na may P351.00 sa sandaling maipasa ang wage hike ay magiging P381.

Habang sa agricultural enterprises, mula sa P338 ay magiging P368.

Naglabas din ang Regional Boad ng motu propio ng Wage Order No.RIX-DW-04 ang minimum monthly minimum wage ng mga kasambahay ay magiging P600 kung saan sa mga chartered cities at first class municipalities sa rehiyon ay magiging P4,600 at P4,100 naman sa iba pang munisipalidad.

“In accordance with the existing law ang procedures, the wage orders were submitted to the National Wages and Productivity Commission (NWPC) for review and were affirmed on October 24, 2023. The wage orders were published on October 27, 2023 and shall take effect after 15 days from their publication or on November 12, 2023,” ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Isinaalang-alang ang pagtaas ng iba’t ibang pamantayan sa pagtukoy sa sahod na ibinigay sa ilalim ng Republic Act. No. 6727 o ang Wage Rationalization Act.

Ang Lupon, na binubuo ng mga kinatawan mula sa sektor ng gobyerno, management and labor sectors, ay nagsagawa ng serye ng mga pampublikong pagdinig noong Setyembre 19 sa Zamboanga Sibugay, Setyembre 20 sa Zambonga Del Sur, Setyembre 21 sa Zamboanga Del Norte at Setyembre 25 sa Zamboanga City at sa wage deliberation noong Oktubre 16, 2023.

Ang mga bagong rate para sa mga manggagawa sa pribadong sektor ay isinasalin sa isang 9%-13% na pagtaas mula sa umiiral na minimum na sahod sa rehiyon at nagreresulta sa isang maihahambing na 23% na pagtaas sa mga benepisyong nauugnay sa sahod na sumasaklaw sa 13th-month pay, service incentive leave  (SIL), at mga benepisyo sa social security tulad ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG.

Ang wage order ay inaasahang direktang pakikinabangan ng nasa 56,848 minimum wage earners sa Rehiyon IX.  Humigit-kumulang 121,490 full-time na wage and salary workers na kumikita ng mahigit sa minimum wage ay maaari ring hindi direktang makinabang bilang resulta ng upward adjustments.

Samantala, ang dagdag sahod para sa mga kasambahay na pakikinabangan ng nasa 18,984 domestic workers na tinatayang ang 13 porsiyento o, 2,491 na live-in arrangements at 87 porisyento o 16,493 ay live-out.

Leave a comment