Pinay na biktima ng illegal recruitment naharang sa NAIA

Nagkunwang ‘pasabuy’ seller

Ni NERIO AGUAS

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pinay na biktima ng illegal recruitment na nagtangkang lumusot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang 26-anyos na biktima na itinago ang pagkakakilalan ay dinala sa tanggapan ng inter-agency council against trafficking para sa kaukulang tulong at pagsasampa ng kaso laban sa kanyang recruiter.

Nabatid na Nobyembre 6 nang tangkaing umalis ng bansa ng biktima patungo sa Hong Kong sakay ng Philippine Airlines flight nang masabat ng BI.

Nagduda ang BI personnel sa pahayag ng biktima na lalabas ito ng bansa upang mamili ng ‘ukay-ukay’ dahil sa negosyo nitong ‘pasabuy’.

Sinabi pa nito na nagtatrabaho ito sa isang lokal na kumpanya ng damit at nagpakita ng isang certificate of employment.

Napansin ng mga immigration officers maraming inconsistencies sa biyahe nito kung kaya’t sumasailalim sa secondary inspection.

Sa imbestigasyon, inamin ng biktima na ang travel documents nito ay nakuha sa pamamagitan ng Facebook Messenger, at ang ipinakita nitong work documents ay peke.

Nakuha sa pasaporte nito ang Malta employment visa para illegal na magtrabaho bilang caregiver sa nasabing bansa.

Leave a comment