
Ni NOEL ABUEL
Nakatanggap ng titulo ng lupa ang mga benepisyaryo ng pabahay na pawang mga biktima ng bagyong Yolanda na tumama 10 taon na ang nakararaan.
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong araw ang pamamahagi ng titulo ng lupa.
“This is not merely a piece of paper. It represents our commitment to providing a stable and secure future for our people. It symbolizes hope, permanence, and the dream of every resident of Tacloban to have a place they can genuinely call home,” ani Romualdez sa ika-10 taong paggunita sa pananalasa ng bagyong Yolanda na ginanap sa Tacloban City Convention Center.
“Ito po ay handog sa atin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Bawat titulong hawak ninyo ay simbolo ng ating pagkakaisa para masigurong may maayos, mapayapa at maunlad na komunidad ang mahal nating Tacloban,” sabi ni Romualdez.
Ayon sa lider ng Kamara, ang distribusyon ng titulo ng lupa sa mga pamilyang nawalan ng bahay ay isang mahalagang bahagi ng hakbang para sa tuluyang pagtaguyod ng komunidad na sinalanta ng bagyong Yolanda.
“A decade has passed, but the memories of that fateful day remain etched in our hearts and minds,” dagdag nito.
Inalala ni Romualdez kung paano ito naging saksi sa pighati ng komunidad sa pagtama ng delubyo.
“Yet, amidst the rubble and tears, I also saw the indomitable spirit of our people. I witnessed neighbors helping neighbors, strangers becoming family, and a nation rallying together to rise again. Kasama nating umiyak at nakiramay sa mga nawalan ng mahal sa buhay ang panauhing pandangal natin ngayon, si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.,” aniya pa.
“Kasama natin siya sa pagbibigay ng agarang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo. Mula noon hanggang ngayon, kasama natin siya sa pagbangon hindi lamang sa Tacloban kundi maging sa iba pang lugar na winasak ng Yolanda,” dagdag pa nito.
Kasabay nito ay hinikayat din ni Romualdez ang kaniyang mga kababayan na gunitain ang katatagan, pagkakaisa at pag-asa na naging sandigan ng kanilang pagbangon.
“The road has been challenging, but with each passing year, our collective strength and determination grow even more evident,” ani Romualdez.
Dala-dala aniya niya ang mga aral ng Yolanda na siyang pinakamalakas na tropical cyclone sa kasaysayan sa kaniyang patuloy na paggampan bilang kinatawan ng Leyte sa Kongreso.
“It is my solemn pledge to serve relentlessly and do everything in my power for the welfare and progress of our people, ensuring that we are better prepared and more resilient for any future challenges,” sabi niya.
“Hindi tayo mapapagod sa pagkilos para sa kagalingan ng mga kababayan natin dito sa Tacloban. Hindi tayo titigil sa pagbangon hanggang hindi natin natitiyak na may magandang kinabukasan ang ating mga anak at ang susunod na henerasyon,” dagdag pa ng House Speaker.
Inalala rin ng House leader ang libong buhay na nawala dahil sa pananalasa ng bagyo.
“Today, let us also pause to remember those we lost, honor the heroes who emerged in the aftermath, and express our gratitude for the countless blessings we have received. Our story is one of triumph over adversity, and as we continue on this journey, let’s carry the legacy of Yolanda as a testament to the unyielding spirit of our people,” saad ni Romualdez.
Nagbigay talumpati rin si Pangulong Marcos bago ang pamamahagi ng mga titulo.
Sinalubong ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang Pangulo, Speaker Romualdez at iba pang bisita sa paggunita at nagkaroon ng banal na misa at sinundan ng isang simpleng seremonya.
Sinamahan din ni Romualdez ang Pangulo sa pagbubukas ng Visayas leg ng 2023 Handa Pilipinas kung saan itinampok ang mga inobasyon patungkol sa disaster risk reduction and management.
