PBBM pinuri ni Sen. Revilla

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at ang kaniyang economic team dahil sa Q3 GDP growth ng bansa.

Ayon kay Revilla, and Lakas-CMD chairman, mula 5.9%, ay lumago ang ekonomiya sa 1.6% mula sa Q2 exceeding market expectations.

Tinalo ng Pilipinas ang mga kalapit bansa tulad ng Vietnam na may 5.3%; Indonesia at China na may 4.9%; at Malaysia na pumalo sa 3.3%.

“Binabati natin ang Pangulo at ang kanyang buong economic team for steering the country in the right direction,” saad ni Revilla.

“While we have to hit 7.2% growth in Q4 to attain our target for this year, I am optimistic that we will be doing even better by year-end,” paliwanag pa ng butihing Senador.

Idinagdag pa ni Revilla na ang mahalaga umano ay nasa tama tayong direksyon.

“What we need now is to continue with what we are doing para mas mabilis na maramdaman ng ating mga kababayan ang pag-usad ng ating ekonomiya, magandang senyales ito para matugunan ang inflation at pagtaas ng mga presyo,” pahayag pa ni Revilla.

Leave a comment