

Ni NOEL ABUEL
Nagsagawa ng dalawang araw na relief operations ang Tingog party list sa mga lugar sa Davao City na lumubog sa baha dahil sa mga pag-ulan.
Nag-abot ng tulong ang Tingog sa mga binaha sa iba’t ibang barangay kasama ang Brgy. Talomo at Brgy. Aplaya.
Sa pangunguna nina Rep. Yedda Romualdez, Rep. Jude Acidre, at House Speaker Martin Romualdez, namahagi ng arrozcaldo at iba pang pagkain ang Tingog sa mga biktima ng pagbaha dulot ng walang humpay na pag-ulan.
Naglibot ang Tingog food truck sa mga apektadong lugar at nakapag-abot ng tulong sa mahigit 3,000 indibidwal at pamilya habang kinukumpuni ang kanilang mga nasirang bahay.
“We are committed to helping our kababayans whenever crisis hits,” ani Rep. Yedda Romualdez.
“Even when the rains are strong, the spirit of bayanihan in our communities remains stronger. Tingog Partylist will always be here to serve,” dagdag nito.
Ginawa ang relief operation mula Nobyembre 9 at 10.
Muling magsasagawa ang Tingog party list ng outreach program upang tulungan ang mga biktima ng baha sa mga darating na araw.
Nagpasalamat ang Tingog sa publiko sa kanilang patuloy na suporta at dasal para sa mga biktima ng baha.
