Fixer na nambibiktima ng OFW dapat managot — Sen. Revilla

Ni NOEL ABUEL

“Kailangang may masampolang fixer sa mga nambibiktima ng OFW”.

Ito ang pahayag ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa kanyang manifestation tungkol sa operasyon ng mga fixers na nambibiktima ng mga overseas Filipino eorkers (OFWs) online.

Naglabas ng DMW Mobile app-para sa OFW Pass na kasalukuyang nagsasagawa na ng pilot test run sa sampung bansa na siya ring ginagamit ng mga fixers para mambiktima ng mga OFWs.

Ayon sa senador, umiiral pa rin ang OEC na dating may bayad na P100 samantalang libre naman ang OFW Pass ngunit dahil sa kakulangan ng impormasyon ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga fixers na maningil.

Natuklasan ni Revilla ang operasyon ng mga fixers sa Facebook na nagbebenta ng Overseas Employment Certificate (OEC) para sa balik manggagawa na karamihang biktima ay mga OFWs na sinisingil ng hindi pare-parehong halaga depende sa diskarte ng fixer.

Pinalalabas ng mga fixers na ang bagong OEC at ang bagong OFW pass ay iisa at kapalit ng naturang certificate ay mas mabilis na makapagpoproseso ng mga dokumento patungong ibang bansa at napakaraming OFWs ang nakukumbinsi ngunit ang katotohanan ay wala itong bayad.

“Dapat na magkaroon ng maliwanag na panuntunan hinggil dito at hindi basta sinabing libre ay ayos na, dapat naiintindihan at hindi mahirap ang proseso,” paliwanag ni Revilla.

Leave a comment