Roberto “Pinpin” Uy, Jr. nanumpa bilang kongresista ng Zamboanga del Norte

Ni NOEL ABUEL

Pormal nang nanumpa bilang bagong miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Zamboanga del Norte Rep. Roberto “Pinpin” Uy, Jr.

Sa plenary session, nanumpa si Uy kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang tunay na nanalong kongresista ng nasabing lalawigan.

Nabatid na naglabas ang Korte Suprema ng desisyon na tunay na nanalo noong 2022 elections, na pinagtibay ng Commission on Elections (Comelec).

“I am honored by this proclamation and the trust that the people of the 1st District of Zamboanga del Norte have placed in me. I am committed to working tirelessly to bring back the old glory of our beloved province,” sa pahayag ni Uy.

“Together, we will address the challenges our community faces and work towards a brighter future for all,” dagdag nito.

Sinasabing noong May 2022 elections, nakakuha si Uy ng 69,591 boto na sinundan ni Romeo Jalosjos, Jr. (R. Jalosjos) na may 69,109 boto.

Samantala ang iba pang kandidato na sina Frederico Jalosjos (F. Jalosjos) at Richard Amazon ay nakatanggap ng 5,424 at 288 boto.

Nag-ugat ang legal na alitan sa desisyon ng Provincial Board of Canvassers na ideklara si R. Jalosjos bilang nanalong kandidato, na nag-uugnay sa mga boto ni F. Jalosjos, na una nang idineklara na isang nuisance candidate.

Ipinasya ng Korte Suprema na ang utos ng pagsususpende ay batay sa alegasyon, na epektibong nagdedeklara kay F. Jalosjos na hindi isang nuisance candidate at ang tunay na nagwagi ay si Uy.

Si Uy, na dating alkalde ng Polanco, ay nanguna sa mga proyekto sa pagpapaunlad ng munisipyo sa larangan ng kabuhayan, edukasyon, palakasan, at imprastraktura sa kanyang termino.

Leave a comment