
Ni MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Sarangani ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa datos, dakong alas-8:10 ng umaga nang tumama ang magnitude 4.7 na lindol na natukoy ang sentro sa layong 019 km timog kanluran ng Maitum, Sarangani.
May lalim itong 026 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity III sa lungsod ng General Santos City.
Habang sa instrumental intensities, naramdaman ang intensity V sa Kiamba, Sarangani at intensity IV sa General Santos City; intensity III sa Pikit, Cotabato; Malungon at Maasim, General Santos City; Tupi at Polomolok, South Cotabato.
Intensity II naman sa Don Marcelino, Davao Occidental; Alabel, Glan, at Malapatan, Sarangani; lungsdo ng Koronadal, South Cotabato at intensity I sa Tantangan, South Cotabato.
Wala namang naitalang danyos ang nasabing paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
