
Ni NERIO AGUAS
Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Filipino na biktima ng illegal recruitment at ang illegal recruiter ng mga ito na nagtangkang umalis ng bansa.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, ang mga biktima ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bago pa makasakay ng Cebu Pacific flight patungong Kuala Lumpur, Malaysia noong Nobyembre 13.
Ang mga pasahero, sa una ay nagdeklara ng kanilang sarili bilang operations manager, site supervisor, at painter supervisor na may limang taong karanasan, ay siniyasat ng BI para sa pangalawang inspeksyon nang magbigay ng hindi magkatugmang mga pahayag nang tanungin tungkol sa mga pangunahing detalye ng kanilang biyahe.
Ayon kay Tansingco, sa huli ay umamin ang mga pasahero na hindi nila personal na kilala ang kanilang employer, at kasama ng mga ito ay bagong kakilala at nagsimula lamang nitong taon.
Sa imbestigasyon isa sa mga pasahero ay nagbayad ng P60,000 sa kanilang recruiter, na nagpadali sa kanilang pag-alis upang makakuha ng mga trabaho bilang waiter sa Dubai at Malaysia na kikita ng P30,000 hanggang P50,000.
Ibinahagi ng mga pasahero na bahagi ng bayad, P10,000 ay inilaan umano para sa membership sa isang organisasyon na may mga accredited chapters sa Malaysia at Dubai.
Inamin din ng mga biktima na sa Facebook lamang nalaman ng mga ito ang trabaho sa nasabing bansa.
Muling nagbabala at nag-abiso ang BI sa publiko na huwag maniwala at mag-ingat sa mga alok na trabaho mula sa internet.
“The public is reminded to follow proper procedures when seeking employment abroad. As the government continues to safeguard the welfare of Overseas Filipino Workers, we urge the public to verify job opportunities abroad through reputable channels and authorized agencies to avoid falling victim to deceptive schemes,” pahayag pa ni Tansingco.
Ang tatlong pasahero, gayundin ang kanilang courier, ay itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanilang recruiters.
