SSS, PhilHealth at Pag-IBIG Fund pinuri ng OFW party list

Ni NOEL ABUEL

Nagpasalamat si OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at ang Pag-IBIG Fund sa paglilinaw at pagpapaliwanag sa kanilang mga programa at serbisyo para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sa policy dialogue na isinagawa sa Kamara, pinangunahan ng OFW party list at ng Department of Migrant Workers (DMW) ang iniulat ng mga nasabing ahensya ng pamahalaan ang mga programa ng mga ito para sa ikabubuti ng mga OFWs.

“Nagpapasalamat tayo sa mga opisyal ng SSS, Pag-Ibig Fund, at PhilHealth sa pagpapaliwanag ng kanilang mga programa at serbisyo, at pagtanggap ng mga suhestyon at reklamo ng ating mga OFWs. Kailangan talaga natin punuan ang kakulangan sa impormasyon dahil dito nagmumula ang dissastifaction ng ating OFWs,” sabi ni Magsino.

“Akala nila’y wala silang napapala sa kanilang mga membership contribution dahil hindi malinaw sa kanila ang mga benepisyong ibinibigay ng mga ahensya. Dagdag dito ang mahirap na proseso lalo na’t sila’y nasa abroad. Sa pamamagitan ng dayalogo natin, sana’y nakatulong tayong mahimay ang mga programa, maipaalam sa ating mga OFWs ang mga ito, at makatulong paigtingin ang serbisyong dapat ihatid ng SSS, Pag-IBIG Fund, at PhilHealth sa ating mga bagong bayani,” pahayag pa nito.

Nabatid na ang mga OFWs ay bumubuo ng malaking bahagi ng mga miyembro at nag-ambag sa government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Sa Pag-IBIG fund pa lamang, nasa 1.45 milyon ang miyembro ng OFW habang ang SSS ay mayroong 1.39 milyong miyembro at ang PhilHealth ay 3.23 milyon hanggang ngayong 2023.

Ang policy dialogue ay naghahangad ng tulay para sa information dissemination hinggil sa magagamit na programsa at serbisyo ng mga nasabing ahensya ng pamahalaan para sa mga OFWs at upang matugunan ang pangangailangan na magtatag ng mga pamantayan at mga benchmarks na naaayon sa mga dynamic requirements ng mga migrant workers.

“OFWs are one of the pillars of our nation’s progress, and it is imperative that we continually refine and adapt our programs and services for them. This policy dialogue serves as a platform to strengthen the collaboration between government agencies, the OFW Party List, and our OFW stakeholders to ensure that the services provided are not only comprehensive, but also reflective of the unique challenges faced by our modern-day heroes,” sabi pa ni Magsino.

Sa nasabing pagpupulong, iniulat ng bawat ahensya ng pamahalaan ang mga programa at serbisyo na maaaring magamit ng mga OFWs at kanilang mga qualified dependents na maaaaring mapakinabangan.

Ang SSS ay nagpakita ng 7 benepisyo na magagamit ng mga OFWs kabilang ang sickness, maternity, unemployment, funeral, retirement, disability, at death.

Iniulat din ng SSS na may 15 Bilateral Social Security Agreements ang nalagdaan sa iba pang bansa at 18 may SSS Foreign Service Representative Offices sa 12 bansa upang masiguro ang pagpapadala ng mga katapat na remittance ng mga foreign employers ng OFWs.

Habang ang PhilHealth ay sumetro sa mandatory contribution ng mga OFWs sa ilalim ng Universal Healthcare Act kung saan sa kasalukuyan ay nagpatawa ng moratorium sa rate increase sa 2023 at napanatili ang rate sa 4% ng kita.

Nilinaw rin nito na ang coverage ay umabot sa ibang bansa sa pamamagitan ng reimbursement system at maaaring isampa ang claims sa loob ng 180-araw mula sa pag-discharge ng OFW.

Samantala, ang membership sa Pag-IBIG Fund ay mandatory para sa mga OFWs na ang contribution rate ay 2% para sa kumikita ng mahigit sa P1,500.

Leave a comment