8 illegal recruitment victims naharang sa Zamboanga International Seaport (ZIS)

Ni NERIO AGUAS

Naharang ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang walong Filipino na patungo sana sa Malaysia na nagpapanggap bilang mga turista sa Zamboanga International Seaport (ZIS).

Ang mga pasahero, na tinago ang pagkakakilanlan para sa kanilang proteksyon, ay nagtangkang sumakay sa MV Antonia patungong Sandakan, Sabah, noong nakalipas na Nobyembre 13.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang mga biktima ay unang nagsabing turista na may iba’t ibang dahilan sa paglalakbay, kabilang ang pagbili ng welding machinery sa ibang bansa at pagbisita sa pamilya at mga kaibigan.

Gayunpaman, sa pangalawang inspeksyon, ang mga pasahero ay umamin na maghahanap ng trabaho sa isang shipyard at isang engineering firm sa Kuala Lumpur.

Binigyan-diin ni Tansingco na ang kaso ay naglalantad sa patuloy na banta ng human trafficking sa pamamagitan ng mga daungan.

“The strengthened anti-trafficking measures, implemented not only in airports but also in seaports, show the government’s commitment to combat this illicit activity comprehensively,” ayon sa opisyal.

Hinikayat pa ni Tansingco ang mga naghahangad na overseas Filipino workers (OFWs) na kumonsulta sa mga awtorisadong ahensya upang i-verify ang pagiging lehitimong mga alok na trabaho.

“Aspiring workers abroad must obtain the necessary clearances and approvals from relevant government agencies,” he said. “This includes verification of your employment contract, validation of your job offer, and securing overseas employment certificates from the Department of Migrant Workers,” ayon pa kay Tansingco.

Ang walong pasahero ay nai-turned over na sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa kaukulang imbestigasyon.

Leave a comment