
Ni NOEL ABUEL
Pinatitiyak ni Senate Public Works Committee Chairman Senator Ramon Bong Revilla, Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad na magpadala ng kanilang tauhan upang inspeksiyunin at matiyak na ligtas ang mga imprastrakura sa General Santos City at iba pang bahagi ng Southern Mindanao na tinamaan ng magnitude 6.8 eathquake noong Biyernes ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang undersea tectonic quake ay naganap sa lalim na 72 kilometers at 34 km sa hilagang kanluran ng Sarangani Island sa Davao Occidental, dakong alas-4:14 ng hapon.
“While there are only minor damage apparent now, it is important to ensure that no structural damage were sustained by buildings and bridges, kaya nga agad nating inatasan ang DPWH na siguruhing ligtas ang mga struktura,” paliwanag ni Revilla.
Iginiit din ng mambabatas na magsagawa ng tuluy-tuloy na assessment sa lahat ng mahahalagang pampublikong imprastraktura sa buong bahagi ng bansa upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Kabilang sa pinatitiyak ng senador ang mga tulay, kalsada at mga gusali ng mga ahensya ng pamahalaan at maging ang mga pribadong establisimiyento.
