
Ni NOEL ABUEL
Namahagi ng nasa 20 motorcycle helmets at nagpa-raffle pa ng P100,000 si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa mga grupo ng motorcycle groups na nakibakahagi sa World Day of Remembrance for Road Traffic Victims.
Si Revilla, na naging punong pandangal sa okasyon sa Strike Gymnasium sa Bacoor, Cavite, ay nagpahayag ng suporta sa mga motorcycle riders at nagsabing handa itong tumulong.
“Umasa kayo na ang inyong senador ay laging naririto upang umagapay at tumulong sa inyo. Kung anuman ang maitutulong ko sa inyo. Umasa kayo na si Bong Revilla laging kasangga ng mga rides at ipaglalaban ang karapatan ninyo,” sabi Revilla sa harap ng daan-daang motorcycle riders na dumalo sa pagtitipon.
Si Revilla, na hinirang na Ambassador for Motorcycle Road Safety and a Road Safety Warrior, ay nagsabing makakaasa ng suporta ang mga riders at may kakampi sa Senado.

Sa kabilang banda, nagpadala si Revilla sa mga riders na laging mag-ingat lalo na at parami nang parami ang nasasangkot sa aksidente na minsan ay buhay ang nagiging kapalit.
“Sa lahat ng mga riders, huwag laying sasakay ng motorsiklo lalo na kapag nakainom palaging mag-ingat, huwag kasakasero sa lansangan at marami ang nasasawi dahil sa aksidente,” paalala pa ni Revilla.
Dagdag pa ng senador dapat ay laging nagsusuot ng helmet ang mga riders para na rin sa kaligtasan ng mga ito.
Sa nasabing okasyon ay nagkaroon din ng motorcycle test drive para sa mga nais matutong magmotorsiklo gayundin ang isinagawang raffles.
