Sen. Villar nanawagan sa publiko na suportahan ang Pinoy products

Si Senador Cynthia Villar na naging panauhing pandangal sa Association of Laguna Food Processors (ALAFOP) Calabarzon Food Solutions Hub (CFoSH) sa Sta. Rosa, Laguna.

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Cynthia Villar sa publiko na tangkilikin ang sariling produkto ng bansa na makakatulong para mapalakas ang ekonomiya ng banda.

Ginawa ni Villar ang pahayag sa Association of Laguna Food Processors (ALAFOP) Calabarzon Food Solutions Hub (CFoSH) sa Sta. Rosa, Laguna, kung saan hinimok nito ang lahat na tangkilikin ang one-stop shop ng Laguna local products.

Sinabi rin nito na suportahan ang maliliit na negosyo at ang Association of Laguna Food Processors (ALAFOP).

Pinuri ni Villar ang ALAFOP sa pagbuo ng grupo ng processed food manufacturers upang palakasin ang kanilang puwersa.

Sa kasalukuyan, nasa 79 na ang bilang ng mga kasapi simula nang binuo ito noong 2009 na may 12 miyembro.

“They intend to give jobs and additional income to our people in Laguna,” sabi ni Villar.

Mayroon itong coconut virgin oil, coconut sugar, Mulberry Wine, Mulberry Jam, Mulberry Juice, Coconut Skim Milk, Lemongrass Hydrosol, Lemongrass Oil, Filipino snacks at deserts, turmeric beverage at turmeric powder.

“The products of members of Market MSMEs should be accessible to more and bigger market,” ani Villar na nanguna sa pagbubukas ng trade fair sa Vista Mall Santa Rosa, na nagpapakita sa processed foods ng ALAFOP.

Leave a comment