Libreng sakay ng Kamara-MMDA palalawigin hanggang Biyernes

Ni NOEL ABUEL

Magandang balita para sa mga commuters na maaapektuhan ng patuloy na tigil pasada ng mga drivers at operators ng pampasaherong sasakyan.

Ito ay matapos na magdesisyon na palawigin pa hanggang Biyernes ang libreng sakay na ibinibigay ng Kamara de Representantes at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong apektado ng tigil pasada ng ilang transport groups.

Ang pagpapalawig ng libreng sakay ay bunsod ng pahayag ng grupong Manibela na magsasagawa rin ito ng transport strike mula ngayong araw, Miyerkules hanggang sa Biyernes.

“Rest assured that the House of the People is committed to alleviating any inconvenience caused to commuters by this transportation disruption,” sabi ng pahayag na inilabas ng Office of the Speaker.

Nakipag-ugnayan ang Office of the Speaker kay MMDA acting Chairman Atty. Romando S. Artes upang makapagbigay ng libreng sakay sa mga apektadong pasahero bunsod ng transport strike na inilunsad ng PISTON mula Lunes hanggang Miyerkules.

Ayon kay Artes ang mga bus na nagbibigay ng libreng sakay ay may rutang Sucat-Baclaran, Pasig-Momumento-Quiapo, Philcoa-Doña Carmen, Parañaque City hanggang City Hall, at Antipolo-Quiapo.

Leave a comment