Taiwanese wanted sa telco fraud arestado ng BI

Ni NERIO AGUAS

Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-aresto sa isang Taiwanese national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa telecommunications fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nahuli na alien fugitive na si Shan Yu-Hsuan, 40-anyos, na inaresto noong nakalipas na Biyernes sa kahabaan ng F.B. Harrison St., Pasay City ng mga operatiba mula sa fugitive search unit (FSU) ng BI.

Sinabi ni Tansingco na naglabas ito ng mission order para sa pag-aresto kay Shan sa kahilingan ng gobyerno ng Taiwan na humingi ng kanyang deportasyon upang malitis sa kanyang krimen.

“He will be deported after our BI board of commissioners issues the order for his summary deportation. He will also be included in our blacklist of undesirable aliens to prevent him from re-entering the country,” sabi ng BI chief.

Sa record ng BI, lumabas sa travel record ng Taiwanese national, nakitang overstaying na it, at huling dumating sa bansa noong Oktubre 10, 2019.

Sa impormasyon mula sa Taiwan ay nagsiwalat na may warrant para sa pag-aresto kay Shan ay inisyu noong Marso 25, 2019 ng Ciaotou district court sa Kaoshiung.

Inakusahan nitong nagpapatakbo ng isang call center outfit sa Taiwan na nagsasagawa ng voice phishing upang dayain ang mga biktima na karamihan ay nasa ibang bansa.

Si Shan ay kasalukuyang nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inihahanda ang deportation proceedings laban dito.

Leave a comment