2 foreign sex offenders hinarang ng BI

Ni NERIO AGUAS

Hinarang at pinigilang makapasok sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang US nationals na pawang naparusahan sa kasong sex offenses.

Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang mga dayuhan na sina Neil Eugene Graves, 47-anyos at Stuart Chase Dingman, 60-anyos na kapwa naharang sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Nabatid na kapwa dumating sa MCIA ang dalawang dayuhan sakay ng Korean Air flight mula Incheon, Seoul.

Sinabi ni Tansingco na pinigilang makapasok sa bansa ang dalawa na makumpirmang registered sex offenders (RSOs).

Ayon sa mga pampublikong rekord, hinatulan ng isang circuit court sa Kent, Michigan si Graves noong 2011 sa mga criminal sexual conduct in fourth degree nang molestiyahin nito ang isang 13-anyos.

Habang si Dingman ay hinatulan noong 1996 at 1992 sa kasong assault at battery ng isang bata sa Massachusetts.

Dahil sa pawang RSO, agad na pinatapon pabalik ng Incheon ang dalawang dayuhan.

Leave a comment