20 small business owners pinagkalooban ng cash aid ni Rep. Villar

Maraming salamat sa tulong: Ito marahil ang nabanggit ng ilang small business owners na nakatanggap ng cash aid kay Las Piñas City Rep. Camille Villar.

Ni NOEL ABUEL

Pinagkalooban ng cash assistance ni Las Piñas Rep. Camille Villar ang nasa 20 small business owners bilang bahagi ng livelihood assistance program for micro and small enterprises ng kongresista.

Ayon kay Villar, ipinamahagi ang financial aid sa mga maliliit na negosyante sa Villar Sipag Events hall.

“Nagpapasalamat po tayo sa ating mga small business owners kanilang ambag sa pagpapa-angat sa ating ekonomiya. Hangad ng ating livelihood assistance program na matulungan kayo sa inyong pang-araw-araw na negosyo,” sabi ni Villar.

Si Rep. Villar ay aktibong nakikilahok sa Kamara para sa pagpasa ng batas na magbibigay ng karagdagang tulong ng gobyerno sa mga micro at small business enterprise, lalo na ang mga naapektuhan ng mga paghihigpit sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Gumawa rin ang kongresista ng isang panukalang batas na nag-uutos na ituro ang entrepreneurship bilang isang hiwalay na asignatura sa K-12 program sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa sekondarya sa buong bansa.

Binigyan-diin ni Villar ang kahalagahan ng pagpapakilala ng entrepreneurship sa murang edad upang magbigay daan para sa makatulong sa paghubog ng mas maliwanag na mga prospect para sa ekonomiya ng bansa.

Leave a comment