Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon apektado ng shear line

Ni MJ SULLIVAN

Asahan pang magdadala ng maraming ulan ang shear line sa ilang bahagi ng bansa sa loob ng tatlong araw.

Sa inilabas na weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), apektado ng pagsasalubong ng mainit na hangin at malamig na hangin ang Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon bukas, Nobyembre 24.

Samantala, sa Nobyembre 25, apektado rin ng shear line ang Batanes, Cagayan, Isabela at Aurora na magdudulot ng pagbaha, landslides partikular sa mabababang lugar.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko at mga disaster risk reduction and management officers na kumilos at maghanda sa posibleng epekto ng shear line.

Partikular na pinaalalahanan ng PAGASA ang mga nakatira sa mga highly o very highly susceptible areas na ihanda sa posibleng evacuation dahil sa inasahang malalakas na pag-ulan bunsod ng nasabing weather system.

Leave a comment