Resolusyon ng Indonesia gagamitin ng Pilipinas sa WPS issue

Ni NOEL ABUEL

Gagamitin ng Pilipinas ang resolusyong inihain ng Indonesia sa isinasagawang Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF) para igiit ang paggalang sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at iba pang international law.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, chairman ng APPF suportado nito at ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, co-chair, ang inihaing resolusyon ng Indonesia na nananawagan sa APPF member parliaments na palakasin at pananatilihin ang katiwasayan, seguridad, safety and freedom of navigation sa West Philippine Sea (WPS).

“Hereby resolve to, member parliaments to strengthen the commitment and to double the efforts in promoting and maintaining peace, security, stability, safety and freedom of navigation across the East and South China Sea, in pursuing peaceful resolutions of the current disputes pursuant to the universally recognized principles of international law as also joint cooperation in combating transnational organized crimes,” base sa resolusyon ng Indonesia.

“Call upon APPF member parliaments to fully respect of the 1982 UNCLOS ensuring the full and effective implementation of the 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea in maintaining and promoting an environment conducive to the early conclusion of an effective and substantive Code of Conduct in the South China Sea,” dagdag pa nito.

Magugunitang isa ang Indonesia na may inaangking isla sa WPS na inaangkin din ng China.

Sinabi pa ni Zubiri, na natutuwa ito at maraming delegasyon ng China ang dumating sa APPF para malaman ang estado ng mga Member parliaments sa nasabing usapin.

Ngunit nanindigan ang lider ng Senado na maayos na hinarap ng Pilipinas ang China delegations at ipinakita pa rin ang respeto sa mga ito kahit batid na may usapin ang dalawang bansa sa West Philippine Sea.

Aniya, ayaw nitong makipag-away sa China at bilang host ng APPF ay kailangang ipakita ang respeto sa lahat ng member parliaments.

Ayon pa dito ay maraming miyembro ng APPF ang suportado ang maritime security at UNCLOS kung kaya’t umaasa itong magbubunga ng maganda ang pagho-host ng Pilipinas.

Samantala, kabilang din sa resolusyon na inihain sa APPF ay ang usapin ng Transnational Crime kabilang ang paglaban sa sex at human trafficking at iba pa.

Leave a comment