
NI NERIO AGUAS
Iniulat ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na natapos na nito ang pagsasaayos ng Manila North Road (MNR) sa Santa, Ilocos Sur.
Sa ulat na tinanggap ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan kay DPWH Regional Office Director Ronnel M. Tan na kabuuang P39.2 milyon ang inilaan sa road upgrade, partikular sa sa Barangay Magsaysay, kung saan ang mga motorista ay maaaring dumaan sa magandang scenic coastline.
“Completed in August 2023, the enhanced roadway implemented by DPWH Ilocos Sur 2nd District Engineering Office facilitates smoother travel, and faster delivery of goods and services, attracting more tourists and boosting the local economy,” sabi ni Tan.
Kasama sa natapos na proyekto ang konsturksyon ng 470-lineal meter concrete retaining wall na may kasamang stone masonry sa bulubunduking lugar upang maiwasan ang landslides at mapatibay ang concrete-covered canal na may road shoulder.
Naglagay rin ang DPWH Ilocos Sur 2nd DEO ng solar lights upang mapabuti ang kaligtasan ng mga dumadaang motorista sa nasabing lugar.
