

Ni NOEL ABUEL
Sa pangatlong pagkakataon, nagbigay si Senador Cynthia A. Villar ng libreng castration, spaying at anti-rabies vaccines sa mga alagang aso at pusa ng mga residente ng Las Piñas at Bacoor, Cavite.
Sinabi ni Villar na ipagpatuloy nito ang proyekto para makontrol ang pagdami ng gumagalang aso at pusa at maiwasan ang pagkalat ng rabies, na nanatiling ‘public health problem’ sa bansa.
Sinasabing sa datos ay umaabot sa 200 hanggang 300 katao ang namamatay kada taon.
“This situation is not a problem only in Las Piñas and Bacoor. In fact, I have talked to congressmen, congresswomen and mayors, and this is also a problem in their areas. So I have thought of doing this in Las Piñas and Bacoor so we will no longer add to this problem of our country. This is our solution,” ayon sa senador.
Tinukoy rin nito ang Republic Act 9482 o Anti-Rabies Act of 2007 na nagtatakda sa responsibilidad ng pet owners na bigyan ng anti-rabies shots ang kanilang mga alaganf aso.
Nabatid na mahigit sa 150 hayop ang nag-avail ng programang-“Libreng Kapon at Ligate para sa mga aso ng Las Piñas/Bacoor” na ginanap sa Villar Farm School sabSan Nicolas, Bacoor City.
Itinaguyod ito ng Villar Foundation sa pakikipagtulungan sa Philippine Veterinary Drug Association (PVDA), Philippine Veterinary Medical Association at Vets Love Nature.
Binigyan din ng anti-rabies vaccines ang mga aso at pusa.
Nagpasalamat naman kay Villar ang mga pet owners sa pagsasabing malaking tulong ito sa kanila sapagkat hindi na nila kailangang gumastos para sa nasabing proseso.
