
Ni NERIO AGUAS
Nakabalik na ng bansa ang apat na overseas Filipino workers (OFWs) na biktima ng human trafficking na nagdesisyong umuwi matapos sumiklab ang gulo sa Myanmar.
Ang mga biktima na sadyang hindi tinukoy ang pagkakakilanlan ay dumating sa bansa mula Yangon, Myanmar sakay ng Thai Airways flight noong Nobyembre 21.
Ayon sa mga account na ibinigay ng apat na pasahero, wala ang mga itong working visa at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) registration habang nasa Laukkai, Myanmar.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang apat na pasahero ay unang umalis ng bansa sa pagkukunwari na mga turista ngunit kalaunan ay na-recruit ng dayuhang kanilang nakakilala at sumamang lumipad patungong Myanmar para magtrabaho sa iba’t ibang trabaho.
Ayon kay Tansingco, dalawa sa mga biktima ang na-recruit sa pamamagitan ng job posting sa Facebook bilang customer service representative sa Myanmar.
“Upon arriving, they were coerced into engaging in online scamming activities for an undisclosed Chinese company. These individuals were subjected to physical abuse and poor working conditions,” ayon sa BI chief.
Nnagpahayag ng pagkabahala si Tansingco ng sa mga insidenteng ito, na idiniin ang kahalagahan ng mas mataas na pagbabantay sa kasalukuyang sitwasyon sa Myanmar.
“The Department of Foreign Affairs (DFA) has classified Myanmar’s conflict to be at Crisis Alert Level 2, also known as the Restricted Phase. This means that only documented Overseas Filipino Workers (OFWs) are allowed to travel to Myanmar, with stringent protocols and safeguards in place,” aniya.
Ipinahayag pa ni Tansingco ang kanyang pagkadismaya sa illegal recruitment ng mga Pilipino sa panahon ng krisis.
“Illegal recruitment not only violates our laws but also undermines the rights and welfare of Filipino workers,” he said. “Aspiring OFWs are urged to verify the legitimacy of job offers, ensure proper documentation, and seek guidance from licensed recruitment agencies before applying abroad,” ayon dito.
Ang apat na pasahero ay kasalukuyang nasa Inter-Agency Council Against Trafficking at DFA, at OWWA.
