Negros Oriental niyanig ng magnitude 4.4

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Negros Oriental, ngayong araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa datos, ganap na alas-5:32 ng madaling-araw nang tumama ang nasabing lindol na natukoy ang sentro sa layong 036 km timog kanluran sa bayan ng Santa Catalina, Negros Oriental at may lalim na 035 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity IV sa Zamboanguita, Negros Oriental at intensity III – Siaton at Sta. Catalina, Negros Oriental habang intensity II sa Valencia, ng nasabi ring lugar.

Sa instrumental intensities, naitala ang intensity II sa lungsod ng Dapitan, Zambonga del Norte at intensity I sa Sibulan, Negros Oriental.

Wala namang naiulat na naging epekto ang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment