Speaker Romualdez pinapurihan ang P20 kilo ng bigas sa Sugbo Merkadong Barato ng Cebu

Si Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Cebu Gov. Gwen Garcia habang personal na pinasinayaan ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa Cebu.

Ni NOEL ABUEL

Kinilala at pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglulunsad ng Cebu sa kanilang Sugbo Merkadong Barato program kung saan makakabili ng dekalidad na bigas sa halagang P20 kada kilo.

Sa kanyang talumpati sa Talisay City Hall, sinabi ni Romualdez na naisakatuparan ang inisyatiba dahil sa mahusay na pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., at isang mahalagang hakbang para sa pagkamit ng seguridad sa pagkain at katatagan ng ekonomiya ng bansa.

“Tunay po na makasaysayan ang araw na ito para sa bansang Pilipinas. Ngayong araw, napatunayan ng mga Sugbuanon na hindi imposibleng makamit ang pangarap na magkaroon sa merkado ng de-kalidad na bigas sa halagang 20 pesos bawat kilo,” sabi ng lider ng 300 mambabatas ng Kamara at siya ring nangunguna sa the Cash and Rice Distribution (CARD) program katuwang si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian.

Sa ilalim ng CARD program, ipinagkakaloob ang tulong pinansyal at bigas sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng kanilang legislative districts bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Marcos sa Kamara na tumulong sa pagbibigay access sa mas murang bigas sa mga nangangailangan.

Ayon sa lider ng Kamara, ang pagkakaroon ng kalidad na bigas sa halagang P20 kada kilo ay patotoo sa pagsisikap ng mga Sugbuanon na harapin ang mga mga hamong kinakaharap at hanapan ng solusyon ang epekto ng pandaigdigang inflation.

“Rather than curse in the dark, people of Cebu chose to rise to the challenge and seek innovative ways to address the high prices of rice and other basic goods brought by global inflation,” tinuran ng House Speaker.

“Ipinakita ninyo sa buong bansa ang tibay ng mga Sugbuanon sa pagharap sa lahat ng hamon ng buhay. Sa halip na magmukmok at sumuko, pinatunayan ninyo na hindi imposibleng makamit ang ating mga pangarap kung magtutulungan lamang tayong mga Pilipino,” dagdag nito.

Ipinaabot din ng Speaker ang taos-puso nitong pasasalamat sa mga lider ng Cebu, lalo na kay Gov. Gwen Garcia sa kanilang natatanging pagsisilbi, paglilingkod, at pagpapatupad ng mga mga makabagong solusyon.

Nararapat lang aniyang gayahin ang modelong ipinatupad ng Cebu para sa P20 kada kilo ng bigas at gawin din sa iba pang bahagi ng bansa.

“The Cebu Provincial Government’s initiatives, including the Bugasan sa Kababayen-an sa Barangay, the localization of Kadiwa ng Pangulo, and the groundbreaking Sugbo Merkadong Barato, are all commendable steps towards making food more accessible and affordable,” pagbibigay diin ni Romualdez.

“These programs are not just about providing rice at lower prices; they are about empowering our communities, particularly our women, farmers, fisherfolks, and micro-entrepreneurs,” aniya pa.

Kinilala rin nito ang Bugasan sa Kababayen-an sa Barangay na nagbibigay kapangyarihan sa mga organisasyon ng kababaihan.

Ang lokalisasyon naman aniya ng Kadiwa ng Pangulo at ang Sugbo Merkadong Barato ay isang paraan ng collaborative governance, upang masiguro na may abot kayang bilihin para sa lahat

Kinilala rin ni Romualdez ang mahahalagang papel ng Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, at Department of Labor and Employment, lalung-lalo na ang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers Program) bilang ‘lifeline’ para sa mga producers.

“As we launch the Sugbo Merkadong Barato today, let us remember that this initiative is more than just about providing affordable rice. It is about building a stronger, more self-reliant Cebu and, by extension, a stronger Philippines,” aniya.

Pinapurihan din nito ang pamahalaang panglalawigan na sinalo ang subsidy para lang matiyak na abot kaya ang bilihin.

Sa kaniyang pagtatapos, ipinaabot ni Romualdez ang pasasalamat sa lahat ng nakibahagi sa naturang inisyatiba, kasabay ng pagbibigay kasiguruhan na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos.

Leave a comment