Walang masama sa pagmimina — Sen. Villar

Si Senador Cynthia Villar habang pinapaliwanag sa mga dating NPA members ang malaking tulong ng pagmimina sa pondo ng pamahalaan.

Ni NOEL ABUEL

Nanindigan si Senador Cynthia Villar na walang masama sa pagmimina basta’t naaayon at sumusunod ito sa isinasaad ng batas.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinagot ni Villar ang pahayag ng mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na masama sa kapaligiran ang pagmimina at walang idinudulot na mabuti sa kabuhayan ng mahihirap na pamilya.

Sinabi ni Villar na sa kasalukuyan ay mayroong 9 milyong ektarya o one third ng lupain ng Pilipinas ay mayaman sa metal deposits.

Aniya, malaking pera ang malilikom sa pagmimina ng nasabing metal deposits na magagamit ng pamahalaan.

“So there is nothing wrong with mining, the only wrong thing with mining is the illegal miners, the ones who don’t follow the law…It needs to be done in a legal way. It’s just necessary that the manner of doing it should be legal,” sabi pa ni Villar.

Payo pa ng senador na hindi dapat na ituring ng mga dating miyembro ng NPA na walang idudulot na mabuti ang pagmimina hangga’t maayos lamang itong naipatutupad.

Leave a comment