
Ni NERIO AGUAS
Nakatakdang ipakalat ng Bureau of Immigration (BI) ang bagong batch ng immigration inspectors sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang papalapit ang Kapaskuhan.
Nabatid na kasalukuyang sumasailalim sa pagsasanay sa BI academy sa Clark, Pampanga ang nasabing mga BI personnel bago ipadala sa NAIA at sa iba pang paliparan sa bansa.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na may kabuuang 38 immigration officers, immigration assistants, administrative aides and officers, at fingerprint examiners ang kasalukuyang nagsasanay sa Philippine Immigration Academy (PIA) sa loob ng Clark Freeport Zone.
Ang mga bagong immigration officers ay magiging frontlines sa panahon ng Kapaskuhan habang ang iba pang trainees ay magsisilbing acting immigration officers bilang augmentation teams.
Ang mga bagong BI officers ay nagmula sa pinakabagong batch ng mga tauhan na kinuha ng ahensya upang mapakinabangan ang workforce nito.
Bukod sa mga lecture sa Philippine immigration laws and policies, ang pagsasanay ay nakatutok din sa soft skills training para matiyak na ang mga frontliners ay magbibigay ng mas magandang serbisyo sa bumibiyaheng publiko.
“After the issues we have encountered, we saw the need to up soft skills training wherein our frontliners are trained in communication, customer service, and conflict resolution. This allows for a more holistic training, which we hope would significantly improve our services,” sabi ni Tansingco.
Sa Disyembre 11 nakatakdang magtapos Ng bagong batch at agad na ipakakalat sa paliparan.
