Malalakas na afterschocks nagpapatuloy sa Mindanao region

Nina MJ SULLIVAN AT NERIO AGUAS

Nababalot pa rin ng takot at pangamba ang maraming residente sa Mindanao region dahil sa patuloy na nararanasang pagyanig bunsod na malalakas na aftershocks.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), pinakahuling naitalang malakas na aftershocks ay nasa magnitude 6.8 sa Cagwait, Surigao del Sur dakong alas-3:49 ng madaling-araw.

Naramdaman ang intensity V sa Cagwait, Surigao del Sur; intensity IV sa Tarragona, Davao Oriental; lungsod ng Tandag, Surigao del Sur at intensity III sa syudad ng Iligan; lungsod ng Cagayan de Oro; Banaybanay, Lupon, at lungsod ng Mati, Davao Oriental.

Sa instrumental intensities naitala ang intensity IV sa Abuyog, Leyte; Hinunangan, Southern Leyte; lugsod ng Gingoog, Misamis Oriental; Nabunturan, Davao de Oro; Surigao City, Surigao del Norte; Bislig City at Tandag, Surigao del Sur.

Intensity III sa Quinapondan, Eastern Samar; Dulag, Hilongos, Kananga, at Mahaplag, Leyte; Sogod, Southern Leyte; Libona, Malaybalay City, at San Fernando, Bukidnon; Magsaysay, Misamis Oriental; Cagayan de Oro City; Digos City, Davao del Sur; Davao City; Malungon, Sarangani; Columbio, Sultan Kudarat; Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Intensity II sa Argao, at Danao City, Cebu; Can-Avid, Eastern Samar; Alangalang, Albuera, Burauen, Carigara, Javier, Leyte, at Palo, Leyte; Ormic City; Catbalogan City, Samar; Malitbog, at San Juan, Southern Leyte; Dapitan City, Zamboanga Del Norte; Kadingilan, at Maramag, Bukidnon; Initao, Misamis Oriental; Magsaysay, at Matanao, Davao del Sur; Don Marcelino, Davao Occidental; Kidapawan City, Magpet, at President Roxas, Cotabato; Alabel, Sarangani; Tampakan, at Tupi, South Cotabato; at lungsod ng General Santos.

Habang intensity I sa Talibon, Bohol; Asturias, at Talisay City, Cebu; Naval, Biliran; Calubian, Isabel, at Villaba, Leyte; Rosario, Northern Samar; Basey, at Villareal, Samar; Padre Burgos, Southern Leyte; Molave, Zambonga del Sur; Banisilan, at Carmen, Cotabato; Glan, Kiamba, at Malapatan, Sarangani; Norala, Polomolok, Santo Niño, Surallah, at T’Boli, South Cotabato; Lambayong, at President Quirino, Sultan Kudarat.

Nasundan ang paglindol sa lakas na magnitude 5.6 dakong alas-5:43 ng madaling-araw na tumama rin sa Cagwait, Surigao Del Sur.

Samantala, nakapagtala rin ng isa pang malakas na aftershock na natukoy sa magnitude 5.5 sa richer scale sa Surigao del Sur.

Naramdaman ang nasabing aftershock ganap na alas-9:07 ngayong umaga na natukoy ang sentro ay nasa layong 072 km hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur at may lalim na 10 km at tectonic ang origin.

Naitala sa instrumental intensities ang intensity III sa lungsod ng Bislig, Surigao Del Sur at intensity I sa syudad ng Tandag, Surigao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, ang nasabing aftershock ay resulta ng naitalang magnitude 7.4 na lindol na naitala noong Disyembre 2.

Sa pinakahuling ulat, dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos kapwa natabunan ng gumuhong pader nang lumindol.

Samantala, sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), dahil sa magnitude 7.4 na lindol ay dalawang national bridges ang nasira at hindi madaanan ng mga motorista sa Region XI at sa Region XIII.

Sa Region XI sa Davao City I DEO, apektado ang ABS-CBN-Quimpo Blvd road partikular ang Bolton Bridge 1 na tanging mga light vehicles lamang ang maaaring dumaan habang sa Region XIII sa Surigao del Sur DEO apektado ang Tago-Gamut Bridge.

Nagsasagawa na ng post-earthquake assessment ang DPWH kasama ang Department of Education (DepEd) at national government own buildings upang malaman ang naging danyos ng mga gusali.

Naglagay na rin ang DPWH ng warning signages at patuloy na monitoring sa mga national road at mga tulay.

Leave a comment