Surigao Del Sur binabayo ng sunud-sunod na lindol–Phivolcs

Ni MJ SULLIVAN

Nagpapatuloy ang pagyanig ng malalakas na paglindol sa lalawigan ng Surigao del Sur na nagdudulot ng pagkatakot ng maraming residente hanggang sa kasalukuyan.

Base sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-8:34 ngayong umaga nang tumama ang magnitude 5.7 na lindol sa layong 044 km hilagang silangan ng Cagwait, Surigao Del Sur.

May lalim itong 010 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang lindol sa intensity IV sa Bayabas, Surigao del Sur habang sa instrumental intensity ay naitala ang intensity II sa lungsod ng Tandag, Surigao del Sur at intensity I sa lungsod ng Bislig, Surigao del Sur; at syudad ng Cabadbaran, Agusan del Norte.

Nasundan ang lindol dakong alas-10:44 ng umaga sa layong 088 km hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur sa lakas na magnitude 4.4.

Ganap namang alas-12:23 ng tanghali nang maitala ang magnitude 4.3 at sa 074 km hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, ang nasabing lindol ay aftershock ng magnitude 7.4 noong nakalipas na Disyembre 2.

Samantala, dakong alas-12:27 ng tanghali nang maramdaman ang malakas na lindol na natukoy sa lakas na magnitude 4.7 sa richer scale sa layong 079 km timog silangan ng Cagwait, Surigao Del Sur.

Makalipas ang ilang minuto o alas-12:33 nang yanigin muli ng lindol ang Surigao del Sur sa lakas na magnitude 4.

Leave a comment