Senado at Kamara nagkasundo na sa Magna Carta of Filipino Seafarers

Ni NOEL ABUEL

Matagumpay nang naresolba ng Senado at House of Representatives sa isang bicameral conference meeting ngayong araw ang mga hindi nagtutugmang probisyon sa Magna Carta of Filipino Seafarers.

Pinamunuan ni Senador Raffy Tulfo, chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, ang Senate panel kasama sina Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva, Senador Chiz Escudero, Senador Risa Hontiveros, at Senador Imee Marcos.

Sa kabilang banda, ang House panel ay pinangunahan ni Kabayan party list Rep. Ron Salo, chairperson ng House Migrant Workers kaasama sina OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino, MARINO party list Rep. Sandro Gonzalez, Zamboanga 1st District Rep. Khymer Adan Olaso, at Pangasinan 6th District Rep. Marlyn Primicias-Agabas.

Kabilang sa mga naresolba ng mga senador at kongresista sa nasabing pagpupulong ay ang probisyon sa escrow.

Sa huli, hiniling ni Escudero na ang mga Committee chair ng bawat kapulungan ay bumalangkas ng bicameral report na nagreresolba sa mga hindi sumasang-ayon na probisyon na napag-usapan at napagkasunduan ng mga miyembro sa naunang pagpupulong bago ang bicam.

Bilang principal sponsor at isa sa mga authors ng Magna Carta of Filipino Seafarers sa Senado, lubos ang pasasalamat si Tulfo sa mga kapwa niya senador at kongresista sa kanilang kooperasyon para maplantsa na ang mga probisyon ng nasabing panukalang batas at pagsisikap para maging ganap na itong batas.

Leave a comment