Surigao del Sur patuloy na niyayanig ng malalakas na paglindol

Ni MJ SULLIVAN

Nababalot pa rin ng takot at pangamba ang maraming residente ng Surigao del Sur dahil sa patuloy na pagkakaroon ng malalakas na paglindol hanggang ngayon.

Nabatid sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na pinakamalakas na naitalang paglindol na naitala kahapon ay nasa magnitude 5.8 sa Cagwait, Surigao del Sur ganap na alas-9:36 ng gabi noong araw ng Martes.

Maliban dito, nakapagtala rin ng magnitude 5.7 sa nasabing lugar dakong alas-5:10 ng hapon na nasundan ng magkasunod na magnitude 4.2 ganap na alas-5:32 at alas-5:37 ng hapon.

Ganap namang alas-5:42 ng hapon nang tumama ang magnitude 5.6 na lindol sa Cagwait, Surigao del Sur at nasundan pa ng magnitude 4.4 dakong alas-5:52 ng hapon; magnitude 4.1 dakong alas-5:59 ng hapon.

Nilindol din ang Hinatuan, Surigao sa lakas na magnitude 4.4 dakong alas-6:45 ng hapon na nasundan ng magnitude 4.8 dakong alas-7:32 ng gabi at dakong alas-8:43 ng gabi nang maramdaman ang magnitude 4.1.

At ganap na alas-11:36 ng gabi nang maitala ang magnitude 4.1 sa Hinatuan habang magnitude 4.2 naman ang naitala ganap na ala-1:33 ng madaling-araw ngayong araw sa Cagwait at sinundan pa ng magnitude 4.1 ganap na ala-1:36 ng madaling-ara at magnitude 4.3 dakong alas-2:35 ng madaling-araw sa Cagwait, Surigao del Sur.

Sinasabing ilang residente ng Cagwait at Hinatuan ang ayaw pa ring umuwi ng kanilang tahanan dahil sa sunud-sunod na pagyanig ng malalakas na paglindol kung saan nagtitiis ang mga ito sa mga evacuation areas.
Samantala, nagbabala ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershocks ang naitalang magnitude 5.9 na lindol sa Lubang, Occidental Mindoro kahapon ng hapon na naramdaman din sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan.

Magugunitang ganap na alas 4:23 ng hapon noong Martes nang yanigin ng magnitude 5.9 ang nasabing lalawigan kung saan naramdaman ang intensity V sa Lubang at Looc, Occidental Mindoro; Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Intensity IV sa Baco, Calapan City, at San Teodoro, Oriental Mindoro; Abra de Ilog, Occidental Mindoro; Laurel, Mabini, San Jose, San Nicolas, at Tingloy, Batangas; lungsod ng Makati, Manila, Quezon at Taguig; lungsod ng Malolos, Meycauayan, Obando, Plaridel, at San Miguel, Bulacan; Floridablanca, Pampanga; Alfonso, Cavite City, Dasmariñas City, Mendez-Nuñez, Silang, at Tagaytay City, CAVITE; Santa Rosa City, Laguna; Tanay, Rizal.

Intensity III sa Mamburao at Santa Cruz, Occidental Mindoro; Cuenca, Lian, Talisay, at Tanauan City, Batangas; Bacoor at General Trias City, Cavite; Los Baños, San Pablo, at San Pedro City, Laguna; Rodriguez, Rizal; Caloocan, Mandaluyong, Marikina, Pasay, Pasig, Paranaque at Valenzuela City; Pateros; Dagupan; Abucay, Hermosa, at Morong, Bataan; Corcuera, Romblon; Cabangan, Castillejos, San Antonio, San Felipe, San Marcelino, San Narciso, at Subic, Zambales; at Dagupan City.

Intensity II sa Dinalupihan, Bataan; San Jose Del Monte City, Bulacan; Gabaldon, Nueva Ecija; Botolan, Iba, at Palauig, Zambales; Olongapo City; Lipa City, at Mataasnakahoy, Batangas; Lucban, Quezon; San Mateo, Rizal; Mansalay, Oriental Mindoro; Ferrol, at Odiongan, Romblon.

Habang intensity I sa San Fernando City, Pampanga; Masinloc at Candelaria, Zambales; at Mauban, Quezon.

Leave a comment