
Ni NERIO AGUAS
Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang British national na nakulong sa kasong sex exploitation ng mga menor-de-edad sa United Kingdom.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nadakip ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) na dayuhan na si Peter Joseph Wheeler, 44-anyos, sa pinagtataguan nitong subdibisyon sa Taytay, Rizal.
Sinabi ni Tansingco na agad ide-deport si Wheeler dahil sa pagiging undesirable alien at sa kanyang record bilang sex offender at sa pagiging undocumented alien dahil ang kanyang passport ay nag-expire na isang taon at kalahati na ang nakalipas.
“I issued the mission order for his arrest after we received information that he is a convicted sex offender who pose a threat to our women and children,” ayon sa BI chief.
Base sa record, si Wheeler ay nahatulan noong 2009 dahil sa paggawa, pagmamay-ari at pamamahagi ng mga malaswang larawan ng mga bata.
Dahil dito, nasentensiyahan ito ng 24 na buwang pagkakulong at inilagay ang pangalan nito sa United Kingdom bilang sex offender.
Idineklara rin na si Wheeler bilang sexual harm for life kung saan itinala ito bilang registrable sex offender sa UK sa buong buhay.
“Sex offenders are not welcome in the Philippines. These individuals with a criminal past, convicted of crimes, especially those committed against children do not deserve the privilege to stay in the Philippines,” sabi ni Tansingco.
Kasalukuyang nakakulong sa BI jail facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang nasabing dayuhan habang inihahanda ang resolusyon para sa pagpapatapon dito palabas ng bansa.
