No permit, no exam” niratipikahan na ng Kongreso

Senador Chiz Escudero

Ni NOEL ABUEL

Niratipikahan ng Kongreso ang pinagkasundong bersyon ng panukalang “No Permit, No Exam Prohibition Act” na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee.

Ang panukalang inihain ni Senador Chiz Escudero, chairman ng Committee on Higher, Committee on Higher, Technical and Vocational Education sa Senado, sinabi nitong suportado ng sektor ng edukasyon sa pangunguna ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA).

Pinagsama-sama sa bicameral conference committee meeting noong Lunes ang Senate Bill 1359 at House Bills 6483 at 7584, na pawang nagmumungkahi na ipagbawal ang “no permit, no exam” rule.

“The reconciled ‘No Permit, No Exam Prohibition Act,’ is one of the greatest legacies that we can leave behind. Finally, we can get rid of this long-time practice,” sabi ni Escudero.

“As I mentioned earlier, forcing a student to forfeit an exam is the cruelest of fines. It can set off a series of events that can be life-changing for the student, and not in a good way. It can lead to shattered dreams and lost opportunities, not just the loss of a diploma,” dagdag nito.

Bukod sa panuntunang “no permit, no exam” rule, ipinagbabawal din ng panukala ang pagpapataw ng anumang patakaran na pumipigil sa mga mag-aaral na naka-enrol sa mga pampubliko o pribadong paaralan na kumuha ng eksaminasyon o anumang uri ng pagsusulit sa edukasyon para sa mga dahilan ng hindi pa nababayarang mga obligasyon sa pananalapi o ari-arian tulad ng hindi nabayarang matrikula at iba pang bayarin sa paaralan.

Gayunpaman, sinabi ni Escudero na ang batas ay hindi nag-uutos ng pagpapatawad sa matrikula dahil hindi nito nabubura ang utang ng isang estudyante sa mga paaralan.

Nanawagan lamang ito para sa pagpapaliban ng pagbabayad habang pinapayagan ang mag-aaral na kumuha ng pagsusulit.

Leave a comment