
Ni NOEL ABUEL
Ipinasa na sa ikatlong at huling pagbasa ng Senado ang panukalang libreng college entrance exams sa mga kuwalipikadong estudyante.
Sa botong 22 pabor at walang sinumang tumutol sa Senate Bill No. (SBN) 2441 o ang “Free College Entrance Examinations Act”, at Senate Bill 1470, na nag-aamiyenda sa Republic Act No. 11396 o ang “State Universities and Colleges (SUCs) Land Use Development and Infrastructure Plan Act, na
ang hindi pagbabayarin ng entrance examination sa mga pribadong higher educational institutions (HEIs) para sa mga disadvantaged graduates o graduating students na nagpapakita ng potensyal para sa academic excellence.
“This free exam can be a recruiting tool aimed at the best and the brightest,” sabi ni Senador Francis “Chiz” Escudero, chairperson ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education at sponsor ng SBN 2441.
“The fee that we’re waiving is minimal, and this bill is supported by the association of private schools as well,” dagdag nito.
Sa ilalim ng Free College Entrance Examinations Bill, ang mga estudyante ay hindi na magbabayad ng mga bayarin at singilin sa pagsusulit kung sila ay: natural-born Filipino student; nabibilang sa nangungunang 10 porsiyento ng kanilang graduating class; at, kung sila ay kabilang sa isang pamilya na ang pinagsamang kita ng sambahayan ay mas mababa sa poverty threshold gaya ng tinukoy ng National Economic and Development Authority (NEDA) o hindi kayang ibigay ang kanilang minimum na pangunahing pangangailangan na nararapat na sertipikado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon pa sa SB 2441, inaatasan ang Commission on Higher Education (CHED) na idetermina at patawan ng parusa ang sinumang HEIs na hindi susunod dito.
Ang mga mag-aaral ay maaaring mag-avail ng mga waived entrance exam fees kapag natugunan ang lahat ng iba pang mga kinakailangan na tinukoy ng pribadong HEIs nakasaad sa panukalang batas.
“Some entrance exam fees are equivalent to a minimum day’s wage such that taking the former will mean meals foregone. No family should starve for a day because food money has been traded for an examination fee,” pahayag ni Escudero.
Samantala sa SB 1470 naman, pinalalakas nito ang mga mekanismo para sa land use development and infrastructure planning and budgeting ng SUCs.
