
Ni NOEL ABUEL
Pinangunahan nina Senador Cynthia A. Villar at House Deputy Speaker Camille Villar ang pagdiriwang ng 18th Parol Festival sa Villar SIPAG Complex kung saan pinag-aaralan kung gagawin itong inspirasyon sa mga Pilipino na makakatulong sa environmental sustainability.
“Yeah, tulad nito it’s a source of income para sa ating mga kababayan. At ang maganda dito ‘yung San Fernando, Pampanga magaling sila sa Capiz kami magaling sa recycled materials, napapakita pa namin ang aming environment sustainability even in our parol making. Kasi kami ang winner in livelihood which involves the recycling of waste. Pati parol namin recycling of waste din kaya napakagandang inspiration,” sabi ng senador.
Itinatampok ng taunang okasyon ang paligsahan sa paggawa ng parol na sinalihan ng mga kasapi ng “Samahan ng Magpaparol ng Las Piñas.”
Sa nasabing paligsaan ay nagwagi si Luzviminda Gallardo, na kinatawan ng kanyang anak na si Ignacio, ay nanalo ng unang gantimpala at nakatanggap ng P20,000 cash prize, habang si Anna Lisa Flores ay nakatanggap ng P15,000 at si Glecy Dela Cruz ay P10,000.
Ang taunang patimpalak ay kumikilala sa talento at talino ng mga Las Piñeros na responsable sa pagkilala sa Las Piñas bilang Parol Capital ng NCR.
Sinabi ni Sen. Villar na taun-taon nang ginagawa ang parol making contest upang makumbinse ang mga gumagawa nito na ipagpatuloy ang diwa ng paggawa ng parol tuwing sumasapit ang Kapaskuhan.
“Ang nagawa pa ng parol ay mga lola nilang mga magulang nila ngayon ay mga apo na ang gumagawa ng pariol sa Las Piñas and they are very proud of it. And we are very proud of it that we can continue the tradition for 3 generation and I hope it will continue forever,” sabi ng senador.
Maliban sa parol maging contest, nagkaroon din ng street dancing competition na sinalihan ng mga elementary school students mula sa lungsod.
“They have produced costumes and nakita n’yo naman na lahat ng costumes ay maganda. Talagang natutuwa ako kasi na-eencourage ang creativity at dancing prowess ng ating mga maliliit na mga bata sa Las Piñas na bumubuo ng ating public elementary schools. We are very proud of them,” sabi pa ni Sen. Villar.
Nagbigay rin ang pamilya Villar ng parangal sa mga Vllar Sipag Poverty Alleviation kung saan nakatanggap ang 19 na kooperatiba sa buong bansa.
“Nagbigay tayo sa 19 na coop sa Pilipinas na tumulong para maiangat ang buhay ng kanilang mga miyembro. Mayroon din tayong special award na tatlo, mga hindi sila naka-fulfill ng requirement pero magagaling sila. We are giving 22 awards today para sa different coops sa Pilipinas,” ayon sa senador.
