
Ni MJ SULLIVAN
Isa nang tropical storm ang binabantayang sama ng panahon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inaasahang magpapaulan hanggang sa panahon ng Kapaskuhan.
Ayon sa PAGASA, napanatili ng bagyong Kabayan ang lakas na hangin na nasa 65/h malapit sa gitna at pagbugso na nasa 80 km/h at kumikilos ng pakanluran sa bilis na 20 km/h.
Nabatid na ang mata ng bagyong Kabayan na nasa karagatan sakop ng Manay, Davao Oriental.
Ngayong araw ay nagpaulan na nasa 100-200 mm sa lalawigan ng Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Agusan del Sur, Davao del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental.
Habang 50-100 mm naman sa Central Visayas, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Northern Mindanao, Davao City, Cotabato, Lanao del Sur, katimugang bahagi ng Samar at Eastern Samar, at nalalabing bahagi ng Caraga, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte.
Nakataas ang tropical cyclone wind Signal no. 2 sa ilang bahagi ng Mindanao kabilang ang Dinagat Islands, Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands, Surigao del Sur, ang hilagang bahagi ng Agusan del Norte kasama ang Kitcharao, Jabonga, Santiago, lungsod ng Cabadbaran, Remedios T. Romualdez, Tubay.
Gayundn sa silangang bahagi ng Agusan del Sur sa Trento, Bunawan, San Francisco, Rosario, Prosperidad, syudad ng Bayugan, at Sibagat, at hilagang bahagi ng Davao Oriental na Boston, Cateel.
Inaasahan ang malalakas na pag-ulan sa mga susunod na araw sa silangang bahagi ng Southern Luzon dahil sa maliban sa bagyong Kabayan ay makakaapekto rin ito sa shear line.
Samantala, nakataas naman sa Signal no. 1 sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang silangang bahagi ng mainland Palawan kasama ang Sofronio Española, Brooke’s Point, Bataraza, Balabac, Rizal, Quezon, Narra at Cagayancillo Islands.
At sa Visayas, apektado ng pag-ulan ang Southern Leyte, Leyte, silangang bahagi ng Samar kasama ang Basey, Santa Rita, Marabut, Talalora, Villareal, Pinabacdao, at silangang bahagi ng Eastern Samar kasama ang Maydolong, lungsod ng Borongan, Quinapondan, Guiuan, Lawaan, Balangiga, Llorente, Giporlos, Salcedo, Balangkayan, General Macarthur, Hernani, at Mercedes; Cebu kabilang ang Camotes at Bantayan Islands, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, at Guimaras.
Ang Mindanao, apektado ang nalalabing bahagi ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, gitnang bahagi ng Davao Oriental kasama ang Baganga, Manay, Caraga, Tarragona, Lupon, Banaybanay; Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, hilagang bahagi ng Maguindanao del Norte kasama ang Buldon, Barira, Matanog, Parang, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, hilagang bahagi ng Cotabat kasama ang Arakan, Carmen, Banisilan, Alamada, President Roxas, Kabacan, Matalam, Antipas, Magpet, Libungan, Pigkawayan, ang hilaga at gitnang bahagi ng Zamboanga del Norte kasama ang Siayan, Sindangan, Jose Dalman, Manukan, Pres. Manuel A. Roxas, Sergio Osmeña Sr., Katipunan, Dipolog City, Polanco, Mutia, Piñan, Dapitan City, Sibutad, La Libertad, Rizal, Siocon, Baliguian, Gutalac, Labason, Kalawit, Tampilisan, Liloy, Salug, Godod, Bacungan; Zamboanga del Sur at , Zamboanga Sibugay.
