French pedophile arestado ng BI

Ni NERIO AGUAS

Nakatakdang ipatapon palabas ng bansa ang isang French national na wanted sa bansa nito dahil sa iba’t ibang kaso kabilang ang sexual offense.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tangsingco, naaresto ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) ang dayuhang si Theddy Douglas Tissier, 42-anyoa, noong nakalipas na Disyembre 12 sa kahabaan ng Chino Roces Avenue, Makati City.

Nabatid na naglabas ng mission order ang BI para sa ikadarakip ni Tissier matapos ipabatid ng French government na nagtatago ito sa bansa.

“We are going to expel him and deport him back to his country. His presence here is inimical to our national interest as he poses a serious threat to our Filipino children,” sabi ng BI chief.

Idinagdag pa ni Tangsingco na ang Frenchman ay ipatatapon sa sandaling maglabas ang BI board of commissioners ng utos para sa kanyang summary deportation at pagkatapos ay i-blacklist at pagbabawalan na itong muling pumasok sa bansa.

Ayon sa Interpol’s national central bureau (NCB) sa Manila, si Tissier ay wanted ng prosecution by a judicial tribunal sa Tours, France.

Kinasuhan ito sa nasabing korte dahil sa pagkuha, pag-record at pag-aayos ng pornographic image ng isang batang wala pang 15 taong gulang.

Ipinagharap din ito ng sexually assault ng isang menor-de-edad at paglabag sa French penal code.

Kasalukuyang nakadetine ang Frenchman sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inihahanda ang papeles para sa deportation proceedings nito.

Leave a comment