Pagbibitiw ni Sen. Tolentino sa Blue Ribbon Committee kinumpirma

Ni NOEL ABUEL

Kinumpirma ni Senador Francis “Tol” Tolentino na magbitiw ito bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee at miyembro ng Commission on Appointments (CA).

Ngunit nilinaw ni Tolentino na ang pagbibibitiw nito sa makapangyarihang komite ay isang karangalan sa kasunduan sa liderato ng Senado na lilimitahan lamang nito sa 1 at kalahating taon ang panunungkulan.

“In fulfillment of a sacred commitment to serve as Blue Ribbon Committee
chairman and member of the Commission on Appointments for a concise term of one and a half years, I find it both a duty and an honor to uphold the essence of a prior agreement,” pahayag ni Tolentino.

“This decision is rooted in a deep-seated belief that public office demands fidelity to pledges made. Ang pagtupad sa kasunduan ay nakabatay sa aking malalim na paniniwala na ang pangako na maglingkod ng maikling panahon ay isang sagradong tungkulin sa paglilingkod sa bayan na dapat tuparin. It is my intention to honor an agreement,” dagdag pa nito.

Binanggit din ng senador na ang pagtataguyod ng pangako ay kasabay ng “nagbabagong kontekstwal na kondisyon” tulad ng matinding pangangailangang tumutok sa Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones na kanyang pinamumunuan din.

Sa nalalapit na pagtatapos ng 1.5-taong termino sa Disyembre 31, tinalakay ng senador ang mga nagawa ng Blue Ribbon Committee sa ilalim ng kanyang pamumuno tulad ng pag-amiyenda sa Procurement Law (SB 2272), paglahok ng OSG sa mga negosasyon sa kontrata (SB 2273), panukalang buwagin ang Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) at iba pa.

Sa kabila ng pagtatapos ng kanyang termino, ipinahayag ni Tolentino ang kanyang kahandaan na maglingkod sa anumang kapasidad sa pamunuan ng Senado at ang buong administrasyon.

Nagpaalala si Tolentino sa susunod na uupong chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na pairalin ang integridad ng komite.

“Ipatupad ang dapat gawin. kilalanin ang pangingibabaw ng Blue Ribbon,” sabi pa nito.

Leave a comment