
Ni NERIO AGUAS
Nakapagtala ang Bureau of Immigration (BI) ng nasa 50,000 tourist arrivals sa bansa sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Base sa BI records sa 49,892 pasaherong dumating noong Disyembre 31, 2023, 34 porsiyento ay pawang mga foreign nationals.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, nagpapakita ito na bumabalik ang momentum ng bansa bilang sikat na holiday destination para sa mga dayuhan.
Ilang hotel at establisimiyento sa Metro Manila ang nagsagawa ng New Year countdown na dinaluhan ng mga Pilipino at mga dayuhan.
Ibinahagi ng BI na nagproseso ang ahensya ng kabuuang 1.6 milyon na dumating na mga pasahero para sa buwan ng Disyembre, na higit pa sa kanilang inisyal na projection na 1.5 milyon.
Wala ring malalaking isyu na naiulat sa mga operasyon ng BI ngayong holiday season.
“Better public service is our gift for the holidays. We are happy that our measures are working, and we vow to continuously improve our systems for 2024 and the years to come,” sabi pa ni Tansingco.
