Traslacion Route magiging ligtas — DPWH 

Ni NERIO AGUAS

Tinitiyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ligtas ang isasagawang Black Nazarene Grand Procession o “Traslacion” sa darating na Enero 9, 2024.

Ayon sa DPWH, nagsasagawa na ng road maintenance activities sa mga kalsadang daraanan ng “Traslacion”.

Sa kanyang ulat kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sinabi ni DPWH National Capital Region Director Loreta M. Malaluan na ang DPWH North and South District Engineering Offices (DEOs) ay inatasan na ayusin ang mga depekto at iba pang panganib sa kalsada, kasunod ng pinagsamang inspeksyon ng Black Nazarene Committee.

“Potholes, as well as tree branches and other road obstructions within road right-of-way are now being cleared by our DEOs to ensure safety of the devotees,” sabi ni Malaluan.

Maglalagay rin ang DPWH North Manila DEO ng temporary railings sa Arlegui Bridge upang matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo sa prusisyon.

Ayon pa kay Malaluan ilang road barriers ang ipapahiram ng DPWH DEOs para magamit sa crowd control at masiguro ang traslacion route na magsisimula sa Quirino Grandstand, kanan sa Katigbak Drive, kanan sa Padre Burgos Street patungo sa Finance Road, at tuluy-tuloy sa Ayala Bridge.

Kaliwa sa Palanca Street, kanan sa Quezon Boulevard, kanan sa Arlegui Street, kanan sa Fraternal Street, kanan s Vergara Street, kaliwa sa Duque de Alba Street, kaliwa sa Castillejos Street, kaliwa sa Farnecio Street, kanan sa Arlegui Street, kaliwa sa Nepomuceno Street, kaliwa sa Conception Aguila Street, kanan sa Carcer Street, kanan sa Hidalgo patungong Plaza del Carmen.

Kaliwa rin sa Bilibid Viejo patungong Gonzalo Puyat, kaliwa sa J.P. de Guzman Street, kanan sa Hidalgo Street, kaliwa sa Quezon Boulevard, kanan sa Palanca St. hanggang sa ilalim ng Quezon Bridge, kanan sa Villalobos patungo sa Plaza Miranda hanggang Quiapo Church.

Leave a comment